top of page
Pokwang.jpg

Naka-5 panalo na ang Strikers; Supremos at Sharks, nagpasuko

MC
Oct 6, 2019
1 min read

Pinatunayan ng Bacoor Strikers ang kanilang husay nang pumoste ng 78-70 na panalo laban sa Biñan City Laguna Heroes, Biyernes ng gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.

Umiskor si Gab Banal ng 21 at sumunggab ng 8 rebounds, may 14 puntos si King Zean Destacamento at 14 rebounds habang si Mark Montuano ay may 10 puntos, 10 rebounds. Nakahila pa ang Strikers ng 51 laban sa 46 ng Heroes. Bilang resulta, may natipong 40 puntos ang Strikers kung saan may 26 lang ang Heroes para itala ang ika-5 diretsong panalo at may markang 14-3 panalo-talo na record sa likod ng front runner na Davao Occidental Tigers, 14-2 sa South Division.

Dinanas ng Heroes ang ikatlong diretsong pagkatalo sa kabila ng 25 puntos na nagawa ni Mark Anthony Acosta at lumagpak sa 6-11 sa parehong dibisyon. Nakagawa si Banal ng 7 assist at 2 steals para tanghaling best player at nanatilng malakas na contender at duplikahin ang MVP feat sa MPBL Datu Cup.

Nakasakay sa 20 puntos, 10 rebounds si John Ambulodto, namuno ang Caloocan Supremos sa simula at huli at pasadsarin ang Bicol Volcanoes, 81-73. Bumida sa Supremos sina Paul Joseph Sanga, 14 puntos, John Carlos Escalambre may 13, Thomas Torres na may 11 at Rene Pacquiao, 11. Bumida sa Cebu City Sharks si William McAloney sa 27-point, 17-rebound para talunin ang Soccsksargen Marlins, 89-57 sa opener.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page