top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Iba’t ibang sakit nagkalat, hirit sa Kongreso.. Handshake, ipagbawal

BRT
Oct 6, 2019
1 min read

Isang resolusyon sa Kamara ang inihain ni Ma­rikina City Rep. Bayani Fer­nando upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit.

Sa isang news forum, idinetalye ni Fernando na da­pat nang iwasan ang hand­shake o pakikipagkamay na nakaugalian na ng mga Pinoy bilang paraan ng pagbati.

Sa pamamagitan ng pag­babawal sa handshaking o pakikipagkamay ay mai­iwasan umano ang pagkalat ng sakit ayon sa resolusyon na inihain ng dating pinuno ng Metropolitan Manila De­velopment Authority.

Aniya, tinanggap ng House Education Com­mit­tee ang kanyang napapana­hong panukala.

Sa halip na pakikipag-kamay, puwede naman uma­nong ilagay na lamang sa dibdib ang kamay bilang paraan ng pagbati o kaya na­man ay bahagyang yumuko.

Idinagdag pa ni Fernando na noong araw pa dapat ipi­nagbawal ang pakikipag-kamay dahil nagdudulot ito ng pagkalat ng mga sakit du­lot ng bacteria o micro­orga­nism.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page