top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Hirit na misis, bawal solohin ang ATM ni mister, nakakatawa lang

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 6, 2019
  • 2 min read

CONG. NOGRALES, HINDI DAPAT MAMBABATAS KUNDI KOMED­YANTE — Nagsulong ng panukala si Rizal Rep. Fidel Nograles na papatawan ng parusa ang misis na ginagawang “un­der the saya” ang kanyang mister at ipag­babawal na rin ang paghawak o pagkon­trol ng misis sa ATM ng kanyang mister.

Dapat pala, hindi pagiging mamba­batas ang pinasok ni Nograles kundi pa­giging ko­medyante kasi nakakatawa ang panuka­lang-batas niya, ha-ha-ha!

◘◘◘

DILAWAN, NASA LIKOD NG ATAKE KAY GEN. ALBAYALDE? — May hi­nala si PNP Chief Gen. Oscar Al­ba­yal­de na bu­kod sa pamomolitika sa PNP kung sino ang magiging next PNP chief, puwedeng may kinalaman din daw ang dilawan sa mga atake sa kanya ni Baguio City Mayor at ex-CIDG Chief Gen. Benjamin Magalong para siraan ang ‘drug war’ ni P-Duterte.

May punto si Gen. Albayalde kasi noong pana­hon ng Aquino gov’t. ay naging bata ni ex-PNP Chief Gen. Alan Purisima si Magalong kaya puro ‘juicy positions’ sa PNP ang napuwes­tuhan nito bukod pa sa tanging dilawan lang ang madalas mam­batikos sa drug war ng pangulo, period!

◘◘◘

SIGURO, HINDI NA MATOTOK­HANG SI BALOYO KASI PAGLAYA NIYA SA 2022, HINDI NA USO ANG ‘TOKHANG’ — Sabi ni Sen. Richard Gor­don, hanggang 2022 daw niya ipa­kukulong sa Bilibid ang ipina-con­tempt niyang da­ting tauhan ni Gen. Alba­yal­de sa Pampanga na si P/Maj. Rodney Baloyo na idinidiin ni Ma­galong sa ilegal na droga.

Kung sakaling sa June 30, 2022 pa palalayain ni Sen. Gordon si Baloyo, malabo na pala itong ma-“tokhang” kasi sa panahong ‘yan ay hindi na uso ang “tokhang” kasi tapos na ang termino ni P-Duterte, boom!

◘◘◘

2 NARCO GENERALS, LAGOT KAY P-DUTERTE — Habang nasa Rus­sia ay ibinulgar ni P-Duterte na may da­lawang generals daw ang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.

Dahil d’yan, tiyak na kakaba-kaba na ang dalawang heneral na ito kasi sa ka­daldalan ni P-Duterte, tiyak na ida­daldal nito sa publiko ang kanilang mga pa­ngalan, lagot!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page