top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Drug queen ng Maynila, natabunan na ang isyu, suwerte!

Ka Ambo
Oct 6, 2019
1 min read

Bumaba na ang presyo ng petrolyo.

Salamat sa Diyos!

◘◘◘

IDINIDIKIT sa Liberal Party ang exposé laban sa PNP.

Hayahay ang buhay!

◘◘◘

LALAMUNIN daw ng andromeda ang ating Milky Way na kinaroroonan ng earth.

Posibleng maganap ito, 10 bilyon taon mula ngayon!

◘◘◘

NALIMUTAN na ang ‘drug queen’ ng Maynila.

Buwenas niya!

◘◘◘

TAPOS na ang tag-ulan.

Matutuyot na naman nang todo ang mga dam!

◘◘◘

NATABUNAN na ang isyu sa Marawi City.

Kaawa-awang mga Maranao!

◘◘◘

NAGWAKAS na ang telenobelang “The General’s Daughter”.

Papalitan ito ng the general problem!

◘◘◘

Wala raw barangay election next year.

Utos ng mga hari, hindi mababali!

◘◘◘

HINDI pa rin natatapos ang African Swine Flu (ASF).

Baboy na, binababoy pa!

◘◘◘

MARAMI ang nagtatanong: Sino raw kaya ang susunod na pangulo ng Pilipinas?

Itanong ninyo ulit sa China!

◘◘◘

MARAMI na ang nagke-keto diet.

Karaniwan ay mga magsasaka!

◘◘◘

NABAWASAN nang 60 porsiyento ang krimen sa Metro Manila.

Pasalamat kayo kay Gen. Guillermo Eleazar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page