Driver nakatulog.. Fx sumalpok sa trak, 6 pisak

Dedo ang anim katao habang tatlo ang kritikal nang maaksidente sa Quezon.
Sakay ng Toyota Tamaraw FX ang mga biktima nang sumalpok sa 10-wheeler truck na minamaneho ni Gerome Villar.
Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nakatulog ang drayber ng FX kaya hindi nito namalayang lumipat na ang kanyang sasakyan sa kabilang linya ng Maharlika Highway sa Bgy. Bamban.
Nabulaga na lamang ang drayber ng dalawang sasakyan kaya huli na ang lahat at nagpang-abot na ang mga ito.
Ayon kay Quezon Provincial Police Director Col. Audri Madrideo, dahil sa lakas ng salpukan ay nayupi ng husto ang FX.
Kabilang sa mga nasawi ay ang mismong drayber ng FX at ang lima nitong pasahero. Ang mga sugatan naman ay kasalukuyang ginagamot sa Gumaca District Hospital.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng trak na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.





Comments