top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

5 arestado sa droga at sugal

Maeng Santos
Oct 6, 2019
1 min read

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa operasyon ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Sa ulat ni Caloocan Police Community Precinct 3 Chief P/Maj. Merben Bryan Lago kay City Chief of Police Col. Noel Flores, alas-10:50 ng umaga, nagsa­sagawa sila ng Oplan Galugad sa Phase 7C, Package 5, Bgy. 176, Bagong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit at ini-report ang mga nagsusugal ng cara y cruz.

Nang respondehan ng mga pulis, dinakip ang mga nagsusugal na sina John Paul Yulas, 26; Dennis Madrideo, 32, at Eric Egranes, 27.

Nakumpiska ang tatlong barya at P150 bet money habang nakuha naman sa mga suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu at sachet ng marijuana.

Nauna rito, alas-3:40 ng madaling-araw nang masakote ng mga tauhan ng PCP-7 sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Rammel Ebarle sa Dinalaga St., Bgy. 156 sina Alexander Venezuela, 36, at Joseph Bisnar, 36, matapos makuhanan ng tatlong sachets ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page