top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sen. Gordon, hanggang patutsada lang sa mga kawpa senador

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 5, 2019
  • 2 min read

SEN. GORDON, WALANG RESPETO SA KAPWA SENADOR—Sa pagdinig sa Senado tungkol sa mga Ninja Cops, habang nagsasalita si Sen. Richard Gordon ay bigla itong nagtaas ng boses at may pinaringgang kapwa niya senador na huwag daw nagsa-side remarks sa hearing ng kanyang komite.

Hindi malaman kung sino ang pinaringgan ni Sen. Gordon, pero ang nagkataong nasa hearing noon ay sina Sen. Imee Marcos at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ang punto rito, ipinakita ni Sen. Gordon sa publiko na wala siyang respeto sa kapwa niya senador dahil mali na pagtaasan niya ng boses ang kapwa niya halal ng taumbayan, period!

◘◘◘

DAPAT SABIHAN DIN NI SEN. GORDON SI PDEA CHIEF AQUINO NA MAG-RESIGN—Hindi lang si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang dapat pagsabihan ni Sen. Gordon na mag-resign tungkol sa pagkakasangkot sa ilegal na droga ng kanyang mga tauhan noong Pampanga Provincial commander pa siya kundi pati si PDEA Director Aaron Aquino.

Mantakin ninyo, nasa mesa na pala ni Aquino noong PNP-Region 3 commander pa siya ang dismissal order sa mga “Ninja Cops”, pero imbes na ipatupad ang pagsibak sa mga ito ay itinapon lang sa Mindanao, buwisit!

◘◘◘

SABAY NAG-CONG. ANG MAG-ASAWANG CAYETANO PARA KAPAG MAY BIYAHE ANG PANGULO, KASAMA SILA?—Kabilang pala ang mag-asawang Speaker Alan Peter Cayetano at Taguig Rep. Lani Cayetano sa mga sumama sa biyahe sa Russia ni P-Duterte.

‘Yan ba ang dahilan kaya sabay na tumakbong kongresista ang mag-asawang Cayetano para kapag may biyahe sa labas ng bansa ang pangulo, palagi silang kasama? Buwisit!

◘◘◘

RAKET NI “SIMBULAN” NA EZ2, SWERTRES AT PARES, LAGANAP NA SA MAYNILA, QUEZON CITY AT MARIKINA — Isang “Simbulan” daw ang may raket na EZ2, swertres at pares sa Maynila, Quezon City at Marikina.

Paging PCSO Royima Garma at DILG Sec. Eduardo Ano, pakisabihan nga ang PNP na “tokhangin” na si “Simbulan”, dali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page