Nakaparada sa NAIA.. Eroplano, bumaligtad
- June Simon
- Oct 5, 2019
- 1 min read

Isang Cessna 172 light plane ang bumaligtad dahil sa malakas na hangin habang nakaparada sa General Aviation area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon ng hapon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), para itong papel na binuhat ng hangin mula sa pagkakatali.
Laking-gulat ng ilang security personnel at empleyado nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa Cessna na may registry number RP-C5002.
Wala namang tinamaan o nasaktan sa insidente.
Kasagsagan kahapon ng thunderstorm kung saan nag-isyu ng red alert warning ang MIAA.
Nabatid na isang Capt. Jerry Jabalera ang nagmamay-ari ng eroplano.





Comments