top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iniwan ni ex-Mayor Erap.. P200-M utang ng Maynila sa GSIS, bayad na

Mylene Alfonso
Oct 5, 2019
1 min read

Nabayaran na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang may P200 milyong utang sa Government Service Insurance System (GSIS) na iniwan ng administrasyon ni dating Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito ang inianunsiyo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang tugon sa kanyang pangako sa mga empleyado na sosolusyunan niya ang problema ng mga manggagawa sa GSIS.

Ayon kay Secretary to the Mayor, Bernie Ang, sa liham ng GSIS, pinaalalahanan ang city government kaugnay sa pagkakautang na P204,215,076.45.

Kumakatawan ang naturang halaga mula sa kontribusyon ng mga empleyado na hindi umano ini-remit ng nakalipas na administrasyon mula noong 2013.

Ipinagmalaki pa ni Ang na “up to date” na ang kontribusyon sa GSIS ng may 8,500 empleyado ng Manila City Hall at maaari nang matamasa ng mga ito ang kanilang benepisyo.

Base sa rekord, kinakaltasan umano ng city government ang mga empleyado ng kanilang kontribusyon sa GSIS mula sa kanilang suweldo pero, hindi ito inire-remit.

Kaugnay nito, nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan upang malaman kung ano ang nangyari sa pera dahil wala umanong itinurnover na financial record ang administrasyon ni Estrada.

Ayon kay Ang, walang sumulpot mula sa kampo ng dating alkalde sa napagkasunduang petsa para sa turnover ng lahat ng importanteng records noong Hunyo 30, 2019.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page