Ibinulgar ni P-Duterte.. 2 Generals, tuloy sa ilegal na droga

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang heneral ang patuloy na sangkot at nakikinabang sa ilegal na droga sa gitna ng isyu sa ninja cops.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang rebelasyon sa harap ng international community habang isinasagawa ang plenary session ng Valdai Forum sa Sochi, Russia.
Tahasang sinabi ng Pangulo na may dalawang heneral ang patuloy na dawit at nakikinabang sa laro ng ilegal na droga sa bansa sa ngayon.
Aniya, bago siya umalis ng Pilipinas at maaaring hanggang sa kanyang pagbabalik ay patuloy na nakikipaglaro ang dalawang heneral sa operasyon ng droga.
Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo ang pagkakakilanlan ng dalawang heneral.
Ang pagbubunyag ay ginawa ng pangulo sa harap ng “think tanks” at policy makers ng Russia habang naroroon din si Russian President Vladimir Putin at Jordanian King Abdullah Bin Al Hussein.
Muling sinabi ng Punong Ehekutibo sa harap ng international community na kanyang papatayin ang sinumang dawit sa laro ng ilegal na droga.





Comments