top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

First daw pero gusto nang maging asawa… Ritz at non-showbiz BF, todo-enjoy sa Japan

  • Vinia Vivar
  • Oct 5, 2019
  • 1 min read

Mukhang hindi na NBSB (no boyfriend since birth) si Ritz Azul dahil mayroon nang special someone na nagpapasaya sa kanya ngayon. Non-showbiz ang guy na nagnga­ngalang Allan at makikita rin sa kanyang Instagram account na kasama niya itong nagbakasyon sa Japan some months ago.

Pero sey niya in her recent interview ay super best friends pa lang ang label nila ng guy although mahahalata mo rin naman na may something special sa kanila base na rin sa mga statements niya.

“Sobrang understanding niya, sobrang supportive and sobrang friends-friends kami, sobrang special,” sey niya sa panayam sa kanya ng press recently.

Sa ngayon daw kasi ay career muna talaga ang focus niya kaya nasa stage pa siya na non-committal dahil ang gusto raw ng tatay niya, kapag nag-boyfriend siya ay ‘yun na talaga ang mapapangasawa.

Katatapos lang ni Ritz ng Los Bastardos at ngayong Sabado, Oct. 5 (pagkatapos ng It’s Showtime) ay sa episode ng Ipaglaban Mo naman siya mapapanood na may titulong Abogada kasama sina JC de Vera, Maxine Medina at Alex Castro mula sa direksiyon ni FM Reyes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page