top of page

Alzheimer’s disease, wala pa ring lunas

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Oct 5, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Sobrang makakalimutin ang tatay ko. Siya ay 79 years old na kaya sa palagay namin ay mayroon siyang Alzheimer’s disease. Nakakalungkot dahil kahit ang mga pangalan naming magkakapatid ay nakakalimutan na rin niya at madalas ay tinatawag niya ang ate ko sa pangalan ng nanay namin na matagal nang patay. Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa sakit na ito? Maraming salamat! — Bernadette

Sagot Ang Alzheimer’s disease ay karamdaman na nagdudulot sa pagiging malilimutin, pagkalito, pagbabago ng ugali at iba pang sintomas. Sakaling lumala, ito ay nagdudulot ng kawalan ng kontrol sa katawan.

Sa ngayon, wala pang natutuklasang lunas sa Alzheimer’s, bagama’t, may iba’t ibang gamot na inaaral para rito. Ang maaaring solusyon dito ay ang pag-aalaga at pag-aaruga sa kanila dahil mabigat ang pangangailangan ng taong may ganitong karamdaman.

Ito ay karaniwang nangyayari sa mga nakatatanda. At dahil dito, marami ang naniniwalang ito ay katumbas ng tinatawag natin na “ulyanin”. Pero, hindi lahat ng “ulyanin” ay may Alzheimer’s. Ito ay maaaring dulot ng katandaan bilang natural na kaganapan.

Ang pagkakaroon ng stroke ay maaari ring sanhi nito o kondisyong tinatawag na “vascular dementia”.

Ang sanhi ng Alzheimer’s ay hindi pa lubos na naipaliliwanag at wala pa ring natutuklasan na maaaring konektado rito. Karamihan sa kaso nito ay wala sa lahi at hindi masasabing namamana o nasa dugo ng pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page