USEC, super-sipag kuno, todo-libot sa 'Pinas, suma-sideline pala sa mga chicks
- Pasaway Spotted
- Oct 4, 2019
- 1 min read
Jeff Tumbado / Pasaway Spotted
Ang pagiging opisyal ng gobyerno ay pagsisilbi o pagseserbisyo sa taumbayan. Ang bawat sentimo na kanilang ginagastos ay mula sa buwis na puwersahang kinukuha sa mga ordinaryong mamamayan.
Kaya marami ang nanginginig ang laman kapag nababalitaan ang mga korupsiyon sa gobyerno. Pero siguro ay ibang level ng pagkainis ang pupuwedeng maramdaman ng iba sa isang miyembro ng gabinete na bukod sa malimit na may out of town trips, mayroon pang “sidetrips?”
Ang bulong ng barbero ni Mr. Undersecretary, malimit na may biyahe si sir at ikinakatwiran na bahagi ito ng kanyang trabaho at mahalaga umanong malalaman niya mismo ang sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang pagtitiyak na nasusunod ang mga batas na may kaugnayan sa kanyang ahensiya?
Siyempre, sa unang tingin ay bibilib ka kay sir na sobrang sipag at tiyaga na mag-ikot sa bansa.
Pero, bakit panay ang post ni sir sa social media ng kanyang bawat biyahe? Pang-attendance ba kay misis?
Hindi natin tiyak kung may naaamoy na ang misis ni sir, pero umalingasaw ang nakawilihan umano nitong pagsa-"sidetrips” kapag nasa isang lugar. “Sidetrip” means pagpunta sa lugar na maraming chicks!
Aba, hindi natin mapipigilan si sir bilang lalaki, pero ang taga-gobyerno ay may sinusunod na good moral standards. At siguro naman ay hindi ginagamit ni sir ang pondo ng bayan sa “sidetrips”, ‘di ba?
May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.





Comments