top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Sunog, dumarami kapag bumabagsak ang mga negosyo

Ka Ambo
Oct 4, 2019
1 min read

Nagkasabit-sabit na ang mga “Ninja Cops”.

Nand’yan lang pala sa tabi-tabi, ngayon lang nabisto.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

WALA pang desisyon sa protesta ni dating Senador ‘Bongbong’ Marcos kontra kay VP Leni.

Maaapektuhan kaya ito sa pagreretiro ng dalawang Mahistrado?

◘◘◘

BUBUWAGIN na ang PDEA.

Wala kasi itong kamandag!

◘◘◘

NAGREREKLAMO na naman ang Pilipinas sa pagpasok ng Chinese ship sa Ayungin Shoal.

Palagi na lang ganyan!

◘◘◘

BAKIT kaya hindi na lang i-exile ang mga naaarestong Abu Sayyaf sa Spratly Island?

Tiyak na matatakot ang mga Tsino na mapugutan kapag sinakop ang isla!

◘◘◘

MARAMI ang nagdududa sa pagkakasunog ng Star City at isang radio network.

Hindi ba ito iimbestigahan ng Kongreso?

◘◘◘

WALANG gaanong balita sa pagdayo ni P-Digong sa Russia.

Eh, bakit?

◘◘◘

MAY nagtatanong: Ano raw ba ‘yung iniimbestigahang “agaw-bato”?

Nakidnap daw ba si Sen. “Bato”?

◘◘◘

SA panahon ng krisis at pagbagsak ng negosyo…

dumarami ang kaso ng “sunog”!

◘◘◘

MAHALAGA ang papel na gagampanan ng social media sa 2022 Presidential and Local Elections.

Maraming media outfit ang malulugi kapag hindi “nakisabay” sa modernong panahon!

◘◘◘

PAANO makasasabay ang mga traditional o mainstream media kung “nalipasan” na sila ng panahon?

Hindi sila “in” sa cyberspace.

Malaki ang tsansang masayang lang ang kanilang “investment” sa pag-level-up!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page