Riles ng LRT-2, nagliyab

Nasuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit Line-2 kahapon, matapos may makitang apoy sa carriageway nito sa area ng Quezon City.
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), alas-11:24 ng umaga nang pansamantala nilang suspendihin ang kanilang biyahe nang may makitang apoy sa carriageway nito sa pagitan ng Anonas at Katipunan Stations.
Nagmula umano ang sunog sa pag-trip off ng Rectifier Substation (RSS) 5 sa Katipunan Station.
Agad namang humingi ng paumanhin ang LRT-2 at inaksiyunan ang problema at inapula ang apoy ngunit, iniimbestigahan pa umano nila ang pinagmulan nito.





Comments