Pulis na tulak, timbog
- Jeff Tumbado
- Oct 4, 2019
- 1 min read

Kapwa arestado ang isang aktibong pulis na hinihinalang ninja cop at maging ang kapatid ng isang police official sa inilatag na drug-bust operation sa Davao City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Elcelito Macarandan Colita, nakatalaga sa Marilog Police Station at ang hindi pinangalanang kapatid ng opisyal mula sa Davao City Police Office (DCPO).
Ayon kay Police Col. Alexander Tagum, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Group at Intelligence Branch sa bahagi ng Iñigo St. sa Bgy. Obrero.
Nakuhanan ang dalawang suspek ng walong sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P10,000.
Agad kinumpiska ang issued firearm ni Colita habang nakuhanan ng hindi lisensiyadong baril ang isang suspek.





Comments