Pulis na nakamotor sumalpok sa jeep, dedbol
- Jeff Tumbado
- Oct 4, 2019
- 1 min read

Nadala pa sa ospital pero, agad ding binawian ng buhay ang pulis na sakay sa motorsiklo matapos sumalpok sa nakaparadang jeep.
Ayon kay Police Lt. Col. Soc Faltado, kinilala ang nasawi na si Police Master Sgt. Arcel Villa Alimane.
Mag-aalas-10:00 kamakalawa ng gabi habang binabagtas ang Pablico Road 1, Bgy. Tiniguiban sa Puerto Princesa City nang sumalpok si Alimane sa nakaparadang jeepney.
Lumalabas sa imbestigasyon na walang early warning device na inilagay ang driver ng jeepney dahilan para hindi ito mapansin ng biktima.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang sakay ng motor at nagtamo ito ng malalang injury sa katawan.





Comments