top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mark of Excellence at Super Sonic, patok

Ding Taboy
Oct 4, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang 7 races ng Additional One Win in Group Races na paglalabanan sa condition race at group race sa San Lazaro Leisure Park Carmona, Cavite.

Kasabay nito magaganap ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Unang bibitiwan ang Race 1, sa paghataw ng condition Race 21 at umpisa ng WTA, pinapaboran ang Artikulo Uno at makakasilat ang Dabarkads na lalahukan ng super six na carry over ng P24,150.80.

Sa Race 2, ipinapatok ang Sorority Girl at makakalaban ang Adorable Felicia na umpisa ng Pick 6 at kasabay ng Trifecta at quartet.

Magaganap ang Pick 5 sa Race 3 na paglalabanan ng Magnolia Yana at Case Bell at isama sa mga paratingan ng Trifecta quartet at Pentafecta.

Sa Race 4, gaganapin ang Pick 4 kasabay nito maglalaban ang Blazing Bullet at Independencia Real baka makatsamba ang Chapel Hill.

Ipinapatok ang Mark of Excellence habang makakalaban ang Easy Landing at kasabay na maglalaban ang couple entry na Baling Araw at Electrify sa Race 5.

Nakalalamang ang Will to Win, panegunda ang Shanghai noon habang ang Haring Bastos ang makasisilat sa Race 6.

Ipinapatok ang couple entry na Super Sonic at Papsut na makakalaban ang Weemissjerre at isama sa mga paratingan ng Trifecta at Quartet ang Love Jane, Filipino Emperor sa Race 7.

Tips ni Mang Ding: Race 1-Artikulo Uno (5) Dabarkads (7) Race 2- Sorority Girl (5) Adorable Felicia (1) Race 3- Magnolia Yana (3) Case Bell (6) Race 4-Blazing Bullet (1) Independencia Real (2) Race 5-Mark of Excellence (4) Race 6- Will to Win(1) Silab (8) Race 7-Entry no.2 Weemissjerre(4) WTA (1-7) 1/5/3-6/1/4/1/2; Pick 6 (2-7) 5/3-6/1/4/1/2; Pick 5 (3-7) 3-6/1/4/1/2; Pick 4 (4-7) 1/4/1/2

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page