Kasabwat ng mga komunista.. NAIA, palitan na ng pangalan dahil pekeng bayani si Ninoy
Sa 2017 PhD dissertation ni Joseph Scalice, iskolar mula sa University of California, may detalye kung saan sinabi nitong may malaking pakikipagtulungan si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, Jr. sa pagtayo at pagpapaunlad ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Panahon na para palitan ang pangalan ng NAIA (Ninoy Aquino International Airport) dahil sa totoo lang, nakaiinsulto ito sa mga Pinoy — hanggang ngayon ay nakapangalan pa rin ito sa tinitingala ng dilawan bilang pekeng bayani na nakipagtulungan sa mga komunista.
Sa malawak na lupain ng Pamilya Cojuangco-Aquino na Hacienda Luisita, nag-organisa umano si “Ninoy” ng mga sikretong pagpupulong sa pagitan nina Jose Maria Sison ng CPP at Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante ng NPA.
Sa Hacienda Luisita, umano nabuo ang koalisyon ng tatlo na ang layunin ay pabagsakin ang gobyerno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Hanggang ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte, gawaing kriminal at terorismo ang pinalalaganap ng CPP-NPA.
Nasasangkot sila sa extortion, kidnapping at pagpatay sa mga pulis, sundalo, opisyal at sibilyan. Idagdag pa ang umano’y pangma-massacre nila sa kanilang mga dating kumander na tumiwalag sa kilusan.
Ayon sa akda ni Scalice na may titulong “Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1957-1974”, hinayaan umano ni Ninoy si Kumander Dante na tumira sa Hacienda Luisita.
Nagtayo pa umano ang CPP-NPA ng party training school sa asyenda. Pinalabas pa umanong security guard sina Kumander Dante, Rodolfo Salas alyas Kumander Bilog at iba pang miyembro ng NPA at binigyan ng uniporme na kulay asul para hindi mahuli ng mga militar.
Dahil sa alyansa ni Ninoy sa mga komunista, sabi ni Scalice sa kanyang akda, nagkaroon ito ng matinding kaalyado — isang armadong grupong maaaring mag-udyok ng oposisyon kay ex-P-Marcos.
Pinag-usapan umano nina Ninoy, Joma, Dante at iba pa sa kanilang pagpupulong ang pag-unlad ng CPP-NPA para masakop ang Pilipinas. Maraming dokumento at references na ginamit si Scalice sa kanyang pag-aaral kaya hindi ito masasabing haka-haka lang.
Isa pa umanong tulong na ibinigay nito sa mga komunista ay ang pag-”demilitarized” ng Tarlac mula 1968 hanggang 1969.
Dahil senador noon si Ninoy, nakagawa siya ng paraan para maalis ang militar sa Tarlac.
Natanggal ang Task Force Lawin na dapat huhuli sa mga komunista, pinalabas umano ni Ninoy na ito ay dahil sa kanyang “peace plan”.
Ayon kay Scalice, ginamit ng dating senador ang pera ng kanyang asawa na si ex-P-Cory para matulungan ang CPP-NPA.
Pinondohan din umano nito ang mga front na organisasyon ng CPP kabilang ang student group tulad ng “First Quarter Storm”.
Ang Pamilya Lopez na kaalyado ng mga Cojuangco ay tumulong din umano sa kilusan para mapabagsak si ex-P-Marcos. Galit ang mga Lopez sa dating pangulo dahil tinanggihan nito ang hiling ng Meralco na taasan ang kanilang singil sa elektrisidad.
Noong Marso, 1969, opisyal na itinayo ang NPA sa Capas, Tarlac. Ito ay itinuring ni Joma Sison na “armed wing” ng CPP.
Si Kumander Dante ang unang lider ng NPA at mayroon siyang walong tinyente kabilang sina Salas at Ruben Tuazon alyas Kumander Rubio.
Si Kumander Rubio ay barangay captain ng isang bayan sa Hacienda Luisita at kung hindi pa ninyo alam, mas malaki pa ito (Hacienda Luisita) kumpara sa ilang siyudad sa Metro Manila.
At hindi lang ito miyembro ng NPA, empleyado rin siya ni Ninoy sa Hacienda Luisita.
Ayon kay Scalice, ito rin ang nagligtas sa buhay ng kanyang amo sa Plaza Miranda bombing noong Agosto 21, 1971.
Si Kumander Rubio umano ang nag-tip kay Ninoy na huwag pumunta sa Plaza Miranda miting de-avance dahil bobombahin ito ng mga operatiba ng CPP-NPA.
Lahat ng kandidato ng Liberal Party ay nasa entablado nang inihagis ng mga kadre ni Joma ang mga granada.
Maraming namatay at nasugatan sa insidenteng ito, pero hindi kasama si Ninoy.





Comments