top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Budget sa pagkain ng mga Preso, ibinubulsa ng mga buwaya sa BuCor

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 4, 2019
  • 2 min read

BUDGET PANGTSIBOG, “KINAKATKONG” NG MGA “BUWAYA” SA BUCOR —Sa pagdinig sa Senado ay nabulgar na “kinakatkong” o kinukupit pala ng mga “buwaya” sa Bureau of Corrections (BuCor) ang badyet sa pagkain ng bawat preso dahil sa halip na P60 ay P39 lang ang inilalaan nila at ayon sa dating presong si Geofrey Gamboa, ito raw ang dahilan kaya kadalasan, sabaw lang ang ipinang-uulam ng mga preso.

Hay naku, kaya naman pala karamihan sa mga preso ay ang papayat kasi sabaw na lang ang nailalaman nila sa kanilang mga sikmura, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

TABATSOY NA “NINJA COP”, MANGANGAYAYAT SA BILIBID—Dahil nalantad sa Senado ang mga kasinungalingan ng matabang pulis na nanguna sa “hulidap operations” sa isang drug lord na si P/Maj. Rodney Baloyo, dating tauhan ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, ipina-contempt siya ng mga senador at ipinakulong sa Bilibid.

Hala, malamang mangayayat ang tabatsoy na “ninja cop” kasi sabaw lang ang malalamon niya sa Bilibid, ha-ha-ha!

◘◘◘

MGA GURO, NAGHIHIMUTOK SA PAGTALAGA NI P-DUTERTE KAY MOCHA SA OWWA—Naghihimutok ang mga guro sa ginawang pagtalaga ni P-Duterte kay ex-MTRCB Board member at ex-PCOO Asec. Mocha Uson bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

May puntong maghimutok ang mga titser kasi sa posisyon ngayon ni Mocha, tatanggap siya ng buwanang suweldo na mahigit P155K, samantalang, silang mga guro ay napako na ang suweldo sa higit P20K monthly, saklap!

◘◘◘

TULOY PA RIN ANG RICE SMUGGLING SA CUSTOMS—Ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng BIR at Department of Finance (DOF) ang illegal warehouse sa Bulacan na naglalaman ng sangkaterbang saku-sakong imported rice.

Dahil imported rice ang mga ‘yan, ibig sabihin, galing sa ibang bansa at pagpapatunay ‘yan na tuloy pa rin ang rice smuggling sa Bureau of Customs, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page