top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tsuper na nagka-cutting trip at taga sa pamasahe, perhuwisyo sa mga komyuter!

Ryan B. Sison
Oct 3, 2019
2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Kani-kanyang lakad ang mga komyuter para makarating sa dapat nilang babaan.

Marami rin ang walang choice kundi sumakay ulit para hindi ma-late sa trabaho at klase sa iskul.

Ito ang Facebook post ng isang komyuter na naabala sa biyahe matapos umanong mag-cutting trip ang nasakyan niyang jeep.

Dagdag pa nito, P11 ang pamasahe na siningil sa kanya ng tsuper na dapat ay P10 lang.

Hindi lang umano siya ang nadismaya kundi pati ang mga kapwa pasahero rin dahil hindi na nga buo ang biyahe, nataga pa sila sa pamasahe.

Wala naman aniya silang choice dahil halos walang masakyan dahil may mga “nanghuhuli” raw sa ibang kalye.

Maraming tsuper ang nagka-cutting trip para iwas-trapik kapag rush hour at makabalik agad sa pinanggalingan para makabiyahe ulit dahil maraming pasahero ang nag-aabang ng masasakyan.

Ang problema, kahit alam nating ilegal, patuloy pa ring ginagawa at ang masaklap, ang mga komyuter ang lugi.

‘Yung tipong buo ang ibinayad na pamasahe pero, kalahati lang ang biyahe. Tsk!

Gayunman, hindi na bago ang ganitong eksena, lalo na kung may mga nanghuhuli kaya kahit ilegal, dedma na rin ang mga pasahero kahit magdoble pa ang pasahe basta makarating sila sa kanilang destinasyon.

Halos araw-araw ay nakararanas ng abala ang mga komyuter at lahat naman ay nahihirapan sa sari-sariling trabaho kaya panawagan sa mga tsuper, huwag matigas ang ulo at buuin ang biyahe para mabawasan ang abala na dinaranas ng komyuter sa araw-araw na pagbiyahe.

At utang na loob, huwag n’yong gulangan ang mga pasahero sa pamasahe dahil pare-pareho lang tayong naghahanapbuhay at kumakayod para sa pamilya.

Panawagan din sa mga awtoridad, mga tsuper na nagka-cutting trip at taga sa pamasahe, huwag kunsintihin!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page