PBA sa Dubai, abangers ng OFW'S: NLEX vs. SMC

Umalis na kahapon ng umaga ang PBA delegation patungong United Arab Emirates upang bigyan ang mga Pinoy workers doon ng ibayong kasiyahan at mapanood ang mga laro ng professional basketball.
Sinamahan ang players, coaches, staff ng iba pang team officials ng San Miguel Beer at NLEX sa Emirates flight para sa 9 na oras na biyahe patungong Dubai.
Ang Beermen at Road Warriors ay nakatakdang magsagupa sa Biyernes ng 8 p.m. (12. a.m. Manila time) na idaraos sa Coca-Cola Arena.
Makasasagupa rin ng Road Warriors ang Barangay Ginebra sa Sabado ng 6 p.m. (10 p.m. Manila time) sa isang hiwalay na laro na opisyal na bahagi ng PBA Governor’s Cup eliminations.
Ang Kings ay ngayong Huwebes bibiyahe pa-Dubai.
Sa pagtatampok ng PBA action sa Dubai, hawak ng NLEX ang 3-0 slate, habang pakay ng SMB ang ikatlong panalo. Target ng Ginebra na rumesbak nang talunin ng Phoenix Pulse, 101-103 noong Sabado at lumagpak ang perennial crowd darlings sa 1-1 slate.
“Actually, nagpe-prepare na kami, unti-unti,” ani coach Yeng Guiao ng NLEX. “Kasi hindi naman pupuwede na kalaban mo San Miguel ngayon tapos na the next day kalaban mo Ginebra. Ang preparation mo lang pagkagising mo ng umaga.”
Para naman kay SMB coach Leo Austria, konsentrado sila vs. NLEX game dahil sa Okt. 11 nila makasasagupa ang Magnolia ang Pambansang Manok.
Nagpapasalamat si Austria sa tikas ng do-it-all import na si Olu Ashaolu. “NLEX for me is really a contender,” ani Austria. “With their last three games I think they got a lot of confidence. Maybe because of the help of their import. They’ve found a good import who can relly play in the shaded area. Very dominant. I think we have to find a gameplan to limit him. Of course, we cannot stop him.”





Comments