top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kenya at Norway, bumida sa World Athletics C’Ships

MC
Oct 3, 2019
1 min read

Pinagharian ni Karsten Warholm ng Norway ang hurdles showdown sa ika-apat na araw ng IAAF World Athletics Championships sa Doha, Qatar.

Dinaig ni Warholm ang malupit na pambato ng Qatar na si Abderrahman Samba nang mapanatili niya ang event sa men’s 400m hurdles para sa engrandeng pagtatapos.

Bumanat si Warholm ng pinakamabilis na simula at halos wala nang kabuntot nang magtapos sa 47.42 minuto kasunod ang sikat sa U.S. na si Rai Benjamin na may 47.66 sa orasan. Bronze medal naman ang napunta kay Samba na dating nagka-injury sa 48.03 clocking.

Ang 2019 IAAF World Athletics Championships ay ika-7 edisyon ng biennial global athletics competition na ito na inorganisa ng International Association of Athletics Federation (IAAF).

Sinimulan ito noong Set. 27 na tatagal sa Okt. 7 sa bagong renovated na multi-purpose Khalifa International Stadium sa Doha, Qatar.

Bumanat ang Ethiopian sa men’s 5000m final at sinungkit ni Muktar Edris (12:58.85) ang ginto na matagumpay niyang nadepensahan ang korona kontra sa mas batang katakbuhan na si Selemon Barega,19-anyos ( 12:59.70).

Isang record breaking performance ang ginawa ni Allyson Felix mula nang mag-gold sa 12th World Championships habang ikaapat na triple jump crown ang nasungkit ni Christian Taylor habang ang sikat na si Jamaican Shelly-Ann Fraser-Pryce na kasisilang lang ng sanggol noong nakalipas na taon ang muling nag-reyna sa 100m titles.

Ang trio nila ang muling nagpamalas ng walang kupas na husay sa athletics. Habang sa pagbabalik naman ngayong season sa racewalk ng 32-anyos na si Liu Hong ay muli niyang inangkin ang ikatlong world 20m race walk title sa oras na 1:32.53. Nagreyna naman sa 42.2 km marathon ang Kenyan na si Rutch Chepngetich, 2:32.43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page