top of page
Pokwang.jpg

Isyu ng ninja cops, pinagtatawanan lang ng mga drug lords

Ka Ambo
Oct 3, 2019
2 min read

Nagkakainitan na sa isyu ng mga “ninja cops”.

Ang mga drug lords, humahalakhak lang!

◘◘◘

NAG-ORDER ang Pilipinas ng malalakas na armas at kagamitan mula sa Russia.

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

BIGLANG sumikat si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Bagyo ang kan­yang “exposé”!

◘◘◘

NABUWAG ang ra­ket na prostitution ng mga Chinese.

Sila na ang bagong “mafia”!

◘◘◘

TAMEME na ang U.S. kontra Iran.

Eksampol ‘yan ng mga “suicidal”!

◘◘◘

LIKAS sa tao na may suicidal tendency.

‘Yan ay kitang-kita sa behavior ng mga lider ng malalaking bansa!

◘◘◘

ANG mga nagbibis­yo at korup ay sintomas ng pagiging suicidal.

Alam ng mga adik na iikli ang buhay nila!

◘◘◘

ALAM din ng mga korup na maaari silang makasuhan o makala­boso at malaking stress ito na magpapaikli ng kanilang buhay.

‘Yan ay kabilang sa sintomas ng mga suicidal — ginagawa mo ang isang bagay kahit alam mong “mali”!

◘◘◘

MAUUNAWAAN ninyo ito kapag nag-research kayo tungkol sa kahulugan ng “acrasia”.

Ito ay tendensiya ng tao na gumawa ng “mali” kaysa gumawa ng “tama”.

Sinaliksik ng mga sinaunang “paham” o genius ang kahulugan ng “acrasia” at upang ma­kontrol ito, inim­ben­to nila ang “reli­hiyon”!

◘◘◘

ANG doktrina ng mga relihiyon ay kara­niwang kumokontra sa “acrasia”.

At dito, naimbento ang “moralidad”.

Ang moralidad ay na­kasandal sa “kondis­yon” ng isip at kamala­yan ng tao o grupo ng mga tao kung saan ipi­nasok ang “dogma” o doktrina upang idekla­ra ang “moral at hindi moral”!

◘◘◘

ANG moralidad ay mauugat sa kustombre o nakamihasnang tra­disyon o sinaunang kaugalian.

Sa bandang dulo, sa panahon ng mo­der­nisasyon, ang “mora­li­dad” ay tinangkang palitan ng “legali­dad” na kustombre sa ating henerasyon!

◘◘◘

MAGKAIBA ang moralidad at legalidad.

Maaaring “moral”, pero ito ay ilegal.

Maaaring legal, pero ito ay imoral!

Eksampol dito ang walang katapusang debate sa “diborsiyo”, “death penalty” at “same-sex marriage”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page