top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Imbestigasyon sa ninja cops, tapusin muna bago solusyunan

  • Isko Moreno
  • Oct 3, 2019
  • 1 min read

Marami ang nagulantang sa resulta ng imbestigasyon ng Senado tungkol sa sinasabi nilang mga “ninja cops” at “agaw bato.” Ilan lamang ito sa mga rebelasyon ni dating Criminal Investigation and Detection Group Chief at incumbent Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Bagama’t, mabigat ang mga inilahad ni Mayor Magalong, dapat pa rin nating pakinggan at idaan sa “due process” ang mga pangyayaring ito upang mabigyan ng pagkakataon si PNP Chief Oscar Albayalde na makasagot tungkol sa isyu.

Nakalulungkot na kasalukuyan itong nangyayari kung saan seryoso ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad at mismong ahensiya ng gobyerno ang tila nagbabangayan.

Pabor ako sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan munang matapos ang imbestigasyon ng Senado, kunin ang committee report at ibigay sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang makagawa ng sariling imbestigasyon at rekomendasyon tungkol sa isyung ito.

Tulad ng karamihan, umaasa tayong maaayos agad ang sigalot na ito sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies. Hindi ito madali at marami ang masasaktan at masasangkot, pero kailangan ang mga ganitong pagsubok upang lalo nating mapalakas at mapagtibay ang hanay ng kapulisan.

Sana ay walang cover-up na mangyari at hayaang umiral ang hustisya at mapanagot ang dapat managot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page