'Di kawalan sa aktres… Maine, tanggap na may mga tutol sa kanila ni Carlo
- Vinia Vivar
- Oct 3, 2019
- 1 min read

Expected na rin naman ni Maine Mendoza na talagang may mga fans na hindi pabor sa pairing nila ni Carlo Aquino sa pelikulang Isa Pa with Feelings lalo pa nga’t napakalaki ng following ng love team nila ni Alden Richards.
“Parang given naman po na parang meron talagang as in group of people from the fandom na hindi matutuwa sa bagong pairing.
“Pero nandito na ‘to, eh. Parte talaga siya rito sa mundo ng showbiz na hindi puwedeng ‘yun at ‘yun lang ang makakatrabaho mo. And feeling ko, eventually, maiintindihan din nila na it’s a chance for the artist to grow and to explore,” sabi ni Maine.
Pero nagpapasalamat naman daw siya sa mga sumusuporta sa tambalan nila ni Carlo and in fact, napakarami na nga raw block screenings na naka-schedule sponsored by the fans.
“Sobrang nagpapasalamat po ako sa kanila kasi the last time I checked, siguro a week or two weeks ago yata na parang nasa 60 na ‘yung block screening na ginawa ng fans. So, sobrang thankful po ako kasi, wala pa man din, kahit hindi pa man nairi-release ang trailer nu’n, wala pang nairi-release, talagang nag-abala na sila sa block screening,” sabi ni Maine.
Ever since raw ay ganu’n talaga katindi ang suporta ng mga fans niya sa kanya kaya sobrang thankful niya talaga.
Thankful din si Carlo sa kanyang Carloholics na lagi raw nandiyan para suportahan ang lahat ng kanyang proyekto kahit sino pa ang kapareha niya.





Comments