PDU30, bilib kay Mocha dahil magaling sa kahit anong posisyon
PARA KAY P-DUTERTE, MAGALING SI MOCHA, KASI KAHIT ANONG POSISYON, PUWEDE SIYA—Nakakatatlong posisyon na sa gobyerno ang talunan noong nakaraang eleksiyon na si AA-Kasosyo Partylist 1st nominee Mocha Uson.
Ang mga dating posisyon ni Mocha sa gobyerno ay Board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at assistant secretary ng PCOO (Presidential Communication Operations Office) at ngayon, itinalaga na naman siya ni P-Duterte sa posisyong deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Siguro, para kay P-Duterte, ang galing-galing ni Mocha na puwede sa kahit anong posisyon, ha-ha-ha!
◘◘◘
MGA TAGA-OWWA, MAKAAWAY DIN KAYA NI MOCHA?—Noong MTRCB Board member pa si Mocha ay nakaaway nito ang mga kasamahan nito sa Board at nang mapunta sa PCOO ay nakaaway din nito ang ilang PCOO officials.
Siguro, kakaba-kaba na ang mga opisyal ng OWWA kasi ngayong administrator na nila si Mocha, baka sila naman ang awayin nito. Boom!
◘◘◘
ANTI-PORK BARREL DAW ANG MGA CONG., PERO MAY TIG-P100 MILYON SILANG PAM-‘PROJECTS’—Sabi ni Speaker Alan Peter Cayetano, kung anti-pork barrel daw si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, silang mga kongresista ay anti-pork barrel din daw.
Ganu’n, eh, kung anti-pork barrel ang mga kongresista, bakit may tig-P100 milyon pam-”projects” sila na isiningit sa 2020 National Budget? Pwe!
◘◘◘
ANG DAMING MANRARAKET SA RIZAL—Nagkalat ngayon ang drop balls at color games nina “Ricky” sa Antipolo City; “Richard” sa Binangonan; “Ely” at “Josie” sa Rodriguez, pawang sa Rizal.
Paging PD Col. Renato Alba, paki-”tokhang” nga ang mga manraraket sa jurisdiction mo, plis lang!





Comments