Kagawad pinagbabaril, dedo

Dalawa ang patay kabilang ang isang barangay kagawad sa magkahiwalay na pamamaril sa Cavite.
Alas-3:30 ng hapon nang unang maganap ang pamamaril sa Bgy. Molino 4, Bacoor, Cavite kung saan nagpapahinga sa kubo malapit sa kanilang bahay ang mga biktimang sina Narciso Sarte, 50, kagawad ng Molino 4 at Albert Herera nang biglang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.
Patay agad si Sarte habang ginagamot sa ospital si Herera.
Iniimbestigahan pa ang motibo at suspek sa krimen.
Samantala, kahapon ng alas-12:10 ng hatinggabi nang pagbabarilin sa Daang Amaya 1, Tanza, Cavite ang biktimang si Eric Rodas habang naglalakad.
Binistay ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima kaya agad itong namatay. Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya para sa posibleng pagkakadakip sa suspek.





Comments