top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isa pang voter's registration, ikakasa — Comelec

  • Madel Moratillo
  • Oct 2, 2019
  • 1 min read

Posibleng buksan muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng panibagong voter’s registration period sa mga darating na araw.

Ito ang inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez kasunod ng pag-apruba ng Senado sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

“Pag-aaralan na ngayon ‘yung posibleng pagbubukas ng panibagong registration period nang mas maaga dahil mukhang wala tayong poproblemahing barangay elections, next year,” pahayag ni Jimenez sa panayam sa radyo.

Nitong Lunes, Setyembre 30, nagtapos ang dalawang buwang voter’s registration na sinimulan noong Agosto 1.

Aminado ang opisyal na sa ngayon ay hindi pa full blast ang preparasyon ng poll body para sa Barangay at SK polls.

Ito ay dahil nakaantabay aniya sila sa posibilidad na maipagpaliban na ito.

Ang Barangay at SK polls ay nakatakda sanang idaos sa Mayo 11, 2020.

Batay sa inaprubahang panukala sa Senado, nais itakda ang BSKE sa Disyembre 5, 2022.

Kung tuluyan itong maisasabatas, dalawa ang halalang isasagawa sa naturang taon, kabilang pa ang presidential polls, kaya kailangan na umanong magbukas ng panibagong voter’s registration.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page