Aktor, kahit game nang mag-showbiz uli… ABS-CBN, 'di na interesado kay John Lloyd
- Beth Gelena
- Oct 2, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Ipinakita na ang teaser ng Culion movie na pinagbibidahan ni Iza Calzado. Ang pelikula ay entry para sa Metro Manila Film Festival 2019.
Sa huling parte ng teaser ay mukha ni John Lloyd Cruz ang ipinakita.
Ang daming natuwang fans ng aktor at na-amazed sila dahil kahit walang dialogue si JLC ay naka-emphasize naman ang kanyang mga mata sa screen.
Sey ng followers ng aktor, “Yes, Popoy is back!”
Totoo palang may movie siyang nagawa. Unti-unti ang kanyang pagbabalik sa showbiz.
Mata pa lang daw ni John Lloyd ay umaarte na at ‘yun daw ang wala sa ibang artista. Na-miss daw nila ang de-kalidad na acting ng isang JLC.
Naihambing pa si JLC sa mahusay na veteran actor na si Johnny Delgado (RIP).
Pero, how true ang nasagap naming tsika na hindi na raw nagpakita ng interest ang ABS-CBN sa pagbabalik-showbiz ng actor?





Comments