top of page
Pokwang.jpg

91 Chinese ibinubugaw.. KTV bar na sex den, buking!

Gina Pleñago
Oct 2, 2019
1 min read

Nailigtas ang nasa 91 babaeng Chinese at apat na Pinay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa high-end KTV bar na ginagamit umanong prostitution den sa Makati City, nitong Lunes ng gabi.

Nahuli rin ang walong lalaki kabilang ang apat na Chinese at apat na Pilipino sa gitna ng operasyon.

Base sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng Anti-Fraud Division (AFD) ng NBI ang Sky Scope International KTV Bar na matatagpuan sa Yakal St., Bgy. San Antonio Village, bandang alas-11:00 ng gabi.

Ayon kay Atty. Jun Astreto, executive officer ng AFD-NBI, nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawang prostitution den ang bar.

Nagkasa ng dalawang linggong surveillance at isang asset ang nagpanggap sa pamamagitan nang pagbu-booked nito sa online application sa halagang P29,000.

Sa report, nakalinya ang mga babae na may presyong P15, 000 bawat isa at bibigyan pa ng VIP treatment kapag nakapili na ng babae habang mahigpit na ipinagbabawal ang customer na Pinoy dahilan upang isagawa ang rescue operation.

Sa gitna ng operasyon, nahuli ang walong suspek habang nailigtas ang 91 babaeng Chinese at apat ang Pinay, samantalang, nakuha sa loob ng KTV bar ang samu’t saring condoms.

Ito na ang ikatlong insidente na mga dayuhang babae ang na-rescue dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa sex trade.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page