4 bebot inabuso.. Albularyo, kulong

Kalaboso ang 73-anyos na albularyo matapos umano nitong hipuan ang apat na kababaihan na kanyang mga ginagamot sa Zamboanga City, kamakalawa.
Tinukoy lamang ang suspek bilang Kumander Agila.
Ayon sa report ng Zamboanga City Police, magkakasamang nagtungo ang apat na babae sa bahay ng suspek upang ipagamot ang kanilang bukol sa dibdib at sakit sa matris.
Hinawakan umano ng suspek ang kanilang dibdib at iba pang maselang bahagi ng katawan na kabilang umano sa proseso ng kanyang panggagamot.
Itinanggi naman ng suspek ang mga ibinibintang sa kanya. Giit ng suspek, sinisiraan lamang siya ng mga biktima dahil sa loob ng 35 taong panggagamot niya, ngayon lang may nagreklamo sa kanya.
Samantala, kinasuhan na ang suspek ng acts of lasciviousness kaugnay sa insidente.





Comments