PSC, pinalakas ang Mindanao LGU sa sports for peace
- MC
- Oct 1, 2019
- 1 min read

Photo: LPU Maragusan
Pinalakas pa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ugnayan sa local government units (LGUs) sa Mindanao nang magdaos ng Sports for Peace programs sa Maragusan, Compostela Valley at sa Bukidnon Province.
Sinimulan ang orientation sa Mayor’s Conference Room noong Set. 27 kasunod ng Children’s Games sa Maragusan Central Elementary School noong Set. 28.
Pinasalamatan ng pamunuan dito ni Colina Vendiola si PSC Chairman William “Butch” Ramirez sa paghahatid ng Children’s Games sa kanilang munisipalidad.
“The colorful flaglets speak about the colors and vibrancy of the hosting,” ayon kay PSC Mindanao cluster head Ed Fernandez at pinuri ang alkalde rito sa ginawang preparasyon.
Mayroong 200 mga bata at 20 Ate-Kuya volunteers ang nagpaligsahan sa tug of peace, mukhang kamatis, sack race, hug relay, balloon race at marami pang ibang palaro.
Tumanggap sila ng souenir shorts at pinagsaluhan ang boodle fight lunch. Ang
Maragusan ay may Saturday Sports Special, isang sports program para sa mga bata.
Sa Bukidnon Province, nagdaos din ang PSC ng consultative sports planning noong Set. 17 at 18, na dina luhan ng 26 na kalahok mula sa 12 munisipalidad.
Idinaos ito kasabay ng grassroots coaching clinic ng table tennis, athletics, taekwondo, boxing at badminton mula Set. 17 hanggang 19, kung saan may 104 ang nakipagpartisipa.





Comments