PDEA at PNP, imbes magkakampi vs. droga, nag-away pa
Oktubre na.
Buwan ng Banal na Rosaryo.
Amen!
◘◘◘
NAG-AAWAY ang PDEA at PNP.
Kagagawan kaya ito ng mga drug lords?
◘◘◘
ITINALAGA si Mocha Uson bilang deputy OWWA administrator.
Oh, wow!
◘◘◘
NAGDEKLARA ng bankruptcy ang fashion retailer na Forever 21.
Talagang walang “forever”!
◘◘◘
NAGSAGAWA ng transport strike kahapon.
Kaya pala walang trapik!
◘◘◘
BIBIGYAN ng P800 birthday gift ang mga senior citizens sa Maynila.
Mabuti na lang, isa akong Manila Boy!
◘◘◘
PINATINDI pa ni P-Digong ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Russia.
Bigyan kaya siya ng nuclear weapons?
◘◘◘
NANGINGIALAM na naman ang mga U.S. senators sa Maynila.
‘Yan din ang scenario bago bumagsak si Makoy!
◘◘◘
BUMABA ang presyo ng petrolyo.
Buwelo ‘yan para sa higit na oil price hike!
◘◘◘
IPINAGPIPILITIN ng Kamara na walang “pork barrel” sa 2020 National Budget.
Eh, sino ba ang umaming may “pork barrel” ang mga nagdaang annual budget?





Comments