top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Madam Asst. Secretary, laging late kaya walang alam sa nangyayari sa event

Pasaway Spotted
Oct 1, 2019
1 min read

Ms. Dee / Pasaway Spotted

Bilang opisyal ng gobyerno, inaasahan ng taumbayan at maging ng mga kapwa mo nagseserbisyo sa pamahalaan na kikilos ka nang naaayon sa tamang pamantayan.

Medyo nakakahiya kung mapagsasabihan ka sa harap ng ibang tao tungkol sa kapabayaan mo, ‘di ba?

Well, hindi natin alam kung nakasanayan na rin ni Madam Assistant Secretary na palaging ma-late sa mga opisyal na aktibidad. Naging matunog nga raw noon na tinatawag siyang ‘primadonna’ ng ilang kapwa kawani.

Namilog ang mga mata ng ating ibong namasyal sa isang tanggapan sa Quezon City nang marinig na sinermunan si Madam Assistant Secretary ng kanyang boss dahil dumating sa isang hearing na sobrang late, as in, tapos na ang pagdinig nang dumating si Madam!

Pero kahit late si Madam, in fairness ay winner ang kanyang postura at kuntodo make-up. Bulong nga ng ibon natin, baka kaya na-late ay dahil nag-ayos nang bongga.

Kaya lang, napaigtad ang ibon natin nang marinig na bumulong si Madam Assistant Secretary at tinanong kung tungkol saan ang hearing.

Ano raw?!

Nakow, mahirap ‘yan, ate! Bilang tagapagsalita ng isang mahalagang ahensiya ng gobyerno, dapat mas malawak ang kaalaman mo. Do your homework naman!

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page