Libreng patubig sa sakahan na sagot ng gobyerno, depende sa sukat ng lupa
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Oct 1, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Ako ay may dalawang ektaryang lupang sakahan na kumukuha ng tubig mula sa patubigan ng National Irrigation System (NIS). Mayroon bang tulong na maibibigay ang gobyerno kaugnay sa patubig ng aking sakahan? — Alfred
Dear Alfred, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 3 ng Republic Act 10969 o kinikilala bilang “Free Irrigation Service Act”.
Ayon sa probisyon ng nasabing batas, ang mga magsasaka na nagmamay-ari ng lupang sakahan na may sukat na walong ektarya at pababa ay hindi magbabayad ng irrigation service fees (ISF) para sa patubig mula sa National Irrigation Systems (NIS) at maging mula sa Communal Irrigation Systems (CIS) na pinondohan, ipinatayo at pinangangasiwaan ng National Irrigation Authority (NIA) at iba pang ahensiya ng gobyerno. Ang nasabing mga magsasaka ay hindi na rin magbabayad ng ISF sa mga patubigan na inilipat sa pangangasiwa ng irrigators associations (IAs).
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments