top of page
Pokwang.jpg

F2 at Foton, wagi sa PSL; College imports, bawal

MC / VA
Oct 1, 2019
2 min read

Matapos ang inaalat na simula, sa wakas nakapa rin ng Foton Tornadoes ang momentum para gapiin ang PLDT Home Fibr, 25-21, 25-20, 25-18 sa Philippine Superliga Invitational Conference sa unang laro kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagpakita ng balanseng atake ang Tornadoes upang gupuin ang Power Spikers sa loob ng 78 minuto at tuluyang kunin ang unang panalo makaraan ang opening season noong Sabado sa bisa ng back-to-back setbacks.

Pinangunahan ni Shaya Adorador ang pagmamalupet sa bisa ng 15 puntos, 9 excellent reception at 6 digs habang si CJ Rosario ang nagmando sa 5 kills para sa 12 puntos ng Foton kung saan hindi nakalaro sina Jaja Santiago, Dindin Manabat at Maika Ortiz.

Sina Santiago at Manabat ay naglalaro sa prestihiyosong V Premier League sa Japan habang si Ortiz ay nagpapahinga bunga ng natamong anterior cruciate ligament injury. Naging impresibo rin si Elaine Kasilag sa nagawa niyang 10 hits habang si EJ Laure at Maria Buitre ay may tig-8 marka.

Ikinatuwa ni Foton coach Aaron Velez ang kanilang panalo kahit wala sina Santiago, Manabat at Ortiz. Naitarak ng Foton ang patas na marka sa PLDT, 1-2 win-loss cards bago pumasok sa second round habang ang Tornadoes ay nakagrupo sa Pool D kasama ang Sta. Lucia, Generika-Ayala at F2 Logistics. Wala sa laro ng Power Hitters si head coach Roger Gorayeb nang pahirapan din ang naging laro nitong nakaraan ni top scorer Gretchel Soltones at 4 puntos lang ang nagawa, kaya binalikat ni Jerrili Malabanan ang game sa 11 puntos.

Sa ikalawang laro, tinalo ng F2 Logistics ang Marinerang Pilipina, 25-14, 25-17 at 25-11 para sa preliminary pool C.

Samantala, nag-file naman ng bill si House Deputy Speaker Mikee Romero ng 1Pacman Party list kahapon para i-ban ang mga foregin student-athletes sa mga college leagues sa bansa.

Nakasaad sa House Resolution No. 388, “to stop and prohibit all collegiate leagues from recruiting, acquiring and using non-Filipino citizens and foreign imports as players.”

Ang mga foreign student-athletes din aniya ang nagpapabansot sa pag-unlad ng homegrown Filipino players at hindi nagpapaangat sa iba’t ibang sports programs sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page