Derek, oks lang tawaging 'patola king' 'wag lang maikumpara kay Gerald
- Erlinda Rapadas
- Oct 1, 2019
- 1 min read

Hindi maiwasang mapikon at mag-react ni Derek Ramsay at sagutin ang basher na ikinukumpara siya kay Gerald Anderson. Pinalalabas kasing chickboy siya at pinaglalaruan-pinaaasa lang ang kanyang mga nagiging girlfriends.
Tinataningan pa na ilang buwan lang daw ang itatagal ng relasyon nila ni Andrea Torres at iiwan din niya ito tulad nina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at Joanne Villablanca.
Katwiran ni Derek, hindi siya ang tipo ng lalaking paasa dahil bumilang din nang 3-5 years ang kanyang pakikipagrelasyon sa mga naging GF niya. Sinubukan naman niyang mag-work ang relasyon niya sa mga ito pero may mga pangyayari nga na hindi maiwasan.
Hindi naman basta na lang niya iniwan ang mga ito at nag-invest din siya emotionally sa mga nakaraang relasyon niya. Hindi ito puwedeng ikumpara sa ginawang “ghosting” ni Gerald kay Bea Alonzo. Seryoso si Derek sa kanyang pakikipagrelasyon. Plano naman niyang bumuo ng sariling pamilya kapag natagpuan na ang tamang babae na itinakda para sa kanya.
May pinaggagalingan at may dahilan kaya pinapatulan ni Derek ang mga bashers, lalo na ‘yung naninira kay Andrea Torres.
Okay lang sa kanya kahit bansagan siyang “Patola King”. Kaso, pati ba naman ang anak niyang nananahimik ay idinadamay pa ng mga bashers?
Kinlaro ni Derek na nasa poder niya ang kanyang anak at hindi niya ito inilihim kay Andrea.





Comments