top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Awww! Besh, hinay-hinay lang... Sobrang diet, sanhi rin ng bato sa apdo

  • Jersy Sanchez
  • Oct 1, 2019
  • 2 min read

Alam ng karamihan na ang sanhi ng bato sa apdo o gallstones ay nakukuha rin sa hindi magandang lifestyle, mataas na cholesterol at sakit sa puso. True naman ‘yun, beshies. Pero, knows ba ninyo na ang labis na pagpapapayat at pagdidiyeta ay maaari ring maging sanhi ng gallstones? Hala!

Sey ng mga expert, 80% ng gallstones ay mula sa cholesterol habang ang 20% nito ay mula sa calcium salts at bilirubin. Ang bilirubin ay kemikal na inilalabas kapag ang katawan ay nagbe-breakdown ng red blood cells.

Dagdag pa rito, maaaring magkaroon ng gallstones ang indibidwal kapag hindi masyadong nagagamit ang gallbladder. Ito ay dahil ang gall- bladder ang nagsisilbing storage o imbakan ng mga taba na nakukuha sa mga pagkain bago ito mapunta sa bituka. At kapag matagal umanong hindi nagagamit ang apdo, namumuo rito ang bile o alkaline fluid na tumutulong sa fat digestion. Ito umano ang pangunahing sanhi ng gallstones.

Halimbawa nito, ang sobrang pagpa-fasting. Dahil masyadong tahimik ang gallbladder, magkakaroon ng status kung saan nari-renew ang bile, dahilan para mabuo ang mga ito at maging gallstones.

Inisa-isa ng mga eksperto ang mga sintomas ng pagkakaroon nito kabilang ang pananakit ng upper right abdomen, pagkawala ng ganang kumain, pagkahilo, pagsusuka, lagnat at kakaibang kulay ng ihi.

Payo sa mga nagdidiyeta, siguruhing nasa 1-2 pounds lang ang ibinabawas na timbang kada linggo. Naaalis ang gallstones sa pamamagitan ng ilang medical procedures tulad ng pagdi-dissolve nito at pagtanggal ng mismong gallbladder.

Oh mga besh, hinay-hinay lang sa pagda-diet dahil totoo pala ang kasabihan na lahat ng sobra ay nakasasama. Bagama’t, oks lang magpapayat, dapat nating siguraduhin na hindi ito makasasama sa atin. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page