Apektado ng ASF.. Mga karne mula China at South Korea, kinumpiska sa NAIA
- June Simon
- Oct 1, 2019
- 1 min read

Umabot sa 50 kilos ng iba’t ibang uri ng karne ang nakumpiska ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Ayon kay BAI Dr. Reynaldo Quilang, ang nakumpiskang mga karne ay mula sa mga pasaherong dumating sa NAIA Terminal 1 na galing sa Xiamen, Guangzhou, China at Incheon, South Korea.
Nabatid na mahigpit pa rin ang pagbabantay ng BAI sa meat products mula sa ibang bansa na apektado ng African Swine Fever (ASF), bagama’t, nakapasok na ito sa bansa at marami na ang naapektuhang nag-aalaga ng baboy, partikular sa Rizal.
Nananatili pa rin umano ang direktiba ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa mga meat, poultry products at canned meat na bawal pa ring magdala ng karneng baboy mula sa ibang bansa.
Aniya, karamihan umano sa dala ng mga pasahero ay duck meat, pork, beef at chicken meat, canned meat at sausage na kanilang nakukumpiska sa paliparan.





Comments