‘MPBL UAE invitational regular NA’- Duremdes

Maaaring magpatuloy na ang MPBL Dubai Invasion. Sa susunod na pagdaraos ng Maharlika Pilipinas Basketball League ay magbabalik ang liga sa United Arab Emirates, hindi lang magdaraos ng regular games pero magkakaroon ng torneo sa Dubai capital at maging sa buong UAE.
May nabuo nang pangalan sina MPBL Commissioner Kenneth Duremdes at DJMC Events, ang organizer ng nakaraang two-game Dubai swing ng MPBL Lakan Season para sa 2020 - MPBL UAE International.
Sa lakas sa merkado ng regional-based MPBL sa UAE at sa Middle East sa kabuuan sina Duremdes at DJMC managing director David John, sa tulong ni DJMC chairman Dunstan Rozairo, pag-uusapan nila kung ang MPBL UAE International ay talagang papatok sa marami. Ayon kay Duremdes, ang MPBL at DJMC ay target mag-tie-up upang abutin ang antas ng tagumpay sa naturang event na idaraos matapos ang Lakan Season.
Sinabi ni Duremdes na posibleng ang MPBL ay maglagay ng satellite office sa Dubai upang magkaroon ng mas mainam na koordinasyon at mas mabilis na komunikasyon sa DJMC officials. Makaraan ang magkasunod na exhibition games sa pagitan ng MPBL Executive sa pamumuno ni founder at CEO, Senator Manny Pacquiao at Dubai All Stars na nagtapos sa 1-1 tie. Sinabi ni Duremdes na maraming dating Collegiate at Varsity players ang maglalaro sa UAE leagues.
Habang ang Lakan Season regular games na napagwagian ng Davao Occidental Tigers kontra Batangas City Athletics, 67-57 at pagkapanalo ng Athletics kontra Imus Bandera, 86-85 ay idinaos sa Hamdan Sports Complex, MPBL at DJMC Events at pakay magdaos ng MPBL UAE International sa mas malapit na venue. Naiwan si Duremdes sa Dubai upang maipagpatuloy ang exploratory talks kina John at Rozairo at magbabalik sa bansa sa Oct. 2.
Samantala, idaraos ang MPBL Lakan Season sa Muntinlupa Sports Complex ngayong araw tampok ang tripleheader Bicol (8-8) laban sa pacesetter San Juan (14-1) ng 4 p.m. Ang iba pang laro ay laban ng Bacolod (6-8) vs. Parañaque (5-10) ng 6:30 p.m. at Muntinlupa kontra Biñan, Laguna (6-9) ng 8:30 p.m.





Comments