top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sakit sa puso, hindi lang namamana nakukuha rin 'pag walang exercise

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 30, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Sa pagkakaalam ko ay wala sa lahi namin ang sakit sa puso, pero nakararamdam ako ng paninikip ng dibdib na umaabot sa aking mga balikat hanggang panga. Ito ba ‘yung tinatawag nilang angina? Isa sa mga kumpare ko ay nakararanas nito kaya pinatigil siyang manigarilyo ng kanyang doktor. Naninigarilyo rin ako pero hindi ako chain smoker. Maaari bang pakitalakay ang tungkol sa angina at kung ano ang sanhi nito? — Danny

Sagot

Ang angina o angina pectoris ay bunga ng kaunting pagdaloy ng dugo at kakulangan ng oxygen sa puso. Kailangan ng puso ang mga ito para normal na mag-function para sa buong katawan. Kapag ang coronary arteries o ang mga pangunahing ugat sa puso ay nabarahan, napipigilan ang tamang pagdaloy ng tamang supply ng dugo sa puso at karaniwang nagdudulot ng coronary heart disease.

Maaaring angina ang pagkakaroon ng masikip na pakiramdam sa dibdib na umaabot din ang pananakit na dulot nito sa mga bahagi ng likod, panga, leeg at maaaring umabot hanggang sa mga kamay.

Narito ang dalawang uri ang angina:

  • Stable angina o chronic angina. Ito ay dulot ng pisikal na gawain o sobrang emosyon. Tumatagal ito ng ilang segundo hanggang isang minuto. Ang sapat na pahinga at pag-inom ng nitroglycerin ay nakatutulong sa pagginhawa ng pakiramdam.

  • Unstable angina. Hindi inaasahang paninikip ng dibdib ang karaniwang marara­nasan dito. Hindi napagiginhawa ng pagpa­pahinga at nitroglycerin ang ganitong uri ng angina at habang tumatagal ay lumalala ito, senyales ito ng malubhang pagbabara sa ugat ng puso.

Ang angina ay senyales o babala ng atake sa puso. Maraming uri ng sakit sa puso ang namamana kaya kung sa tingin mo ay nanga­nganib kang magkaroon ng sakit sa puso, marapat lamang na magpakonsulta agad sa doktor.

Hindi rin ligtas ang mga walang history ng sakit sa puso sa pamilya dahil ang sakit sa puso ay maaari ring dulot ng unhealthy lifestyle.

Narito ang ilang tips para makaiwas sa angina at iba pang sakit sa puso:

  • Tamang pagkontrol sa cholesterol

  • Paghinto sa bisyo

  • Sapat na pag-eehersisyo

  • Regular na pag-inom ng gamot

  • Regular na pagkonsulta sa doktor

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page