top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Road Warriors, sa top spot Cone, may Asst. Coaches na

ATD / Alvin Olivar
Sep 30, 2019
2 min read

Patuloy na ipinaparamdam ng NLEX Road Warriors ang kanilang lakas matapos nilang ikahon ang three-game winning streak at masolo ang top spot ng PBA Governors Cup team standings. Tangan ng Road Warriors ang 3-0 karta matapos nilang pagulungin ang Blackwater Elite, 115-109 kagabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex.

Kumayod si import Oluseyi Ashaolu ng 31 points at 10 rebounds para sa NLEX habang bumakas si local Kiefer Ravena ng 25 markers at tig-7 rebounds.

Naunang uminit ang opensa ng Elite nang hawakan nila ang unahan sa first canto, 25-19. Pero bumangis ang Road Warriors sa 2nd quarter, humarurot sila ng 33-21 bentahe para maagaw ang unahan, 52-46 sa halftime.

Nakipagsabayan ang Blackwater sa third quarter, pero naghabol pa rin sila papasok ng 4th.

Hindi na pinaporma ng Road Warriors ang kanilang katunggali sa payoff period, inalagaan nila ang kanilang lamang upang masilo ang malinis na tatlong panalo.

Samantala, nag-donate ang PBA at Alagang PBA partner Wish Ko Lang Foundation ng 40 wheelchairs sa Lung Center of the Philippines at Philippine General Hospital. Sina PBA Commissioner Willie Marcial at Wish Ko Lang Foundation representative Aleah Ortiz ang nag turnover ng wheelchairs bago nagsimula ang Ginebra-Phoenix game sa Araneta Coliseum noong Sabado.

Samantala, pinangalanan na ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang kanyang mga assistant coaches para sa 30th Southeast Asian Games.

Kasama ni Cone sa coaching staff ng Gilas Pilipinas sina Jimmy Alapag, Jong Uichico, at Joe Devance at maging ang kanyang staff sa Barangay Ginebra na si Richard Del Rosario, Freddie Abuda, at Kirk Collier.

Babalik sa Gilas Pilipinas sina Alapag at Uichico na naging assistant coach din noong panahon nina Chot Reyes at Tab Baldwin. Si Uichico rin ang naging coach ng Gilas cadets noong sila’y nagwagi ng gintong medalya sa 2017 SEA Games.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page