Kontra-tigil-pasada.. Walang pasok, walang coding

Kinansela na ang pasok sa ilang lugar ngayong araw, Setyembre 30.
Ito ay kaugnay sa transport strike ng mga jeepney operators at drivers bilang pagtutol sa PUV modernization program ng gobyerno.
Kanselado ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga sumusunod na lugar: Muntinlupa City, Marikina, Pasay City, Pasig City, Parañaque City, Sta. Cruz, Laguna, Majayjay, Laguna, Rizal, Laguna, Tiaong, Quezon, Bacolod City, Iloilo City, Bago, Negros Occidental, Talisay, Negros Occidental, Roxas City, Capiz at Pampanga.
Suspendido rin ang klase sa kolehiyo kasama ang graduate school sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila at Caloocan City.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), tuloy ang klase sa pre-school hanggang senior high school sa nasabing lungsod.
Samantala, suspendido naman ang number coding scheme sa mga public utility vehicles (PUVs).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay kaugnay sa nationwide transport strike ng ilang grupo.
Sinabi ng MMDA na layon nitong makatulong sa mga commuter para sa kani-kanilang mga lakad.





Comments