top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Knows mo ba ‘yan, ‘tol? Yosi, mas nakakaadik kesa sa droga

  • Twincle Esquierdo
  • Sep 30, 2019
  • 2 min read

Kahit pataas nang pataas ang presyo ng sigarilyo, hindi pa rin ito kayang iwasan at tigilan ng marami. Bakit kaya? Ano ang mayroon sa sigarilyo kaya hindi ito mapigilan ng karamihan, lalo na kapag stressed at pagod sila?

Ayon sa mga eksperto, ang nicotine sa sigarilyo ay nagbibigay ng panandaliang kaligayahan at relief, gayundin, nakapagpapakalma ito.

Narito pa ang ilang dahilan kung bakit mahirap pigilan ang paninigarilyo:

1. Pakikisama. Para sa iba, paraan ito ng pakikipag-bonding dahil masarap umanong makipagkuwentuhan habang naninigarilyo. Pero para sa ilan, sila ay naninigarilyo para makapag-relax.

2. Kasabay sa pag-inom. Habang umiinom, hindi maiiwasan ang paninigarilyo dahil maraming naniniwala na nakapagpapababa ito ng tama. Pero ayon sa mga eksperto, hindi ito dapat pagsabayin at mabuting kumain na lang ng pulutan kaysa magyosi habang umiinom ng alak.

3. Nakakaadik. Ayon sa mga eksperto, ang nicotine ay nakakaadik kaysa sa heroin at cocaine. Gayundin, nagbibigay ito ng physical at mood-altering effects sa utak. Ang mga epektong ito ang dahilan ng pagkaadik sa paninigarilyo na nagreresulta sa nicotine-dependence kung saan ang paghinto sa paggamit nito ay nagreresulta sa anxiety at pagkairita.

4. Ginagaya ang nakatatanda. Dahil sa kuryosidad, maraming indibidwal ang nagsimulang manigarilyo sa murang edad. Dahil nakikita nila ang mga tao sa kanilang paligid na naninigarilyo, gusto nilang malaman kung ano ang lasa at epekto nito.

5. Peer Pressure. Natural sa atin na ma-adapt ang mga ginagawa ng taong nakapaligid sa atin, lalo na kung kaibigan natin ang mga ito. Kung hindi naninigarilyo ang indibidwal, maaari itong mahikayat ng mga kaibigang naninigarilyo na subukan din ito.

6. Nakakabawas ng Timbang. Ang paninigarilyo ay nakapagpapahina ng ganang kumain dahil tinatanggal nito ang panlasa at amoy ng tao. Gayundin, ito ang dahilan kung bakit bumababa ang timbang ng smoker kapag tumigil ito sa paninigarilyo.

7. Psychological Dependency. Isa ito sa ilang dependency na nakukuha sa paninigarilyo. Ayon sa mga eksperto, ang mga taong may ganitong addiction ay nangangailangan ng sigarilyo para makapag-isip, makapag-relax at makaramdam ng ginhawa. Bukod pa rito, maaaring tumagal ng anim na buwan hanggang isang taon bago matanggal ang addiction na ito.

Kaginhawahan man ang naibibigay ng sigarilyo, hindi natin dapat kalimutan ang negatibong epekto nito. Tandaan, marami pang paraan para mapawi ang kalungkutan na nararamdaman natin.

Maaaring mag-ehersisyo at kumain ng masusustansiyang pagkain na lubos na makatutulong para sa ating katawan.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page