top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Im Bersamina at NM Elorta, naghahanda na sa SEAG

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Sep 30, 2019
  • 1 min read

Bukod sa mga preparasyon ni “senior” Grandmaster Rogelio Antonio Jr. para sa nalalapit na Southeast Asian Games kung saan sa Pilipinas idaraos ang biennial games sa Nob. 30-Dis. 11, puspusan na rin ang paghahanda ng mga nakababatang kinatawan ng bansa na sina International Master Paulo Bersamina at National Master David Elorta para sa paspasang ahedres.

Maghaharap sina Bersamina, kinatawan ng bansa sa rapid chess at Elorta, pambato nang Pilipinas sa Blitz Chess, sa isang duwelo na binansagang “The Fast and the Furious” sa Oktubre.

Ang duwelo ng dalawa sa paspasang ahedres ay tatagal ng 16 na laro kung saan paiiralin ang 3 minutes 2 seconds increment.

Masasaksihan sa official YouTube channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Sariwa si Bersamina, may blitz rating na 2315, sa pagkopo ng korona ng GM Rosendo Balinas Jr. Open Chess Tournament kamakailan. Bitbit ni Elorta, mainstay ng Tarrasch Knight Chess Club sa Makati. Ang pagiging kampeon ng 2018 Christmas All Masters Chess bukod pa sa pagdurog kay Antonio sa isang gitgitang chess blitz face-off.

Sa kaso ni Antonio, umaangat na ang antas ng kanyang paghahanda matapos lumahok ang 13-beses na hari ng Philippine Chess sa dalawang torneo at parehong bahagi ng unang pulutong ang batikang chess warrior.

Sasalang din ang 57-anyos na si Antonio sa Nobyembre sa Romania para makipagtagisan ng husay sa World Seniors Chess Championships. Taong 2017 noong mahablot niya ang silver sa malupit na kompetisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page