top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hamon sa mga senador: Mga kumampi kay Sen. De Lima, i-banned sa ‘Pinas!

  • Ka Ambo
  • Sep 30, 2019
  • 2 min read

Oktubre na bukas.

Papalit na ang Ami­han sa Habagat!

◘◘◘

AMOY Pasko na.

Mano po ninong!

◘◘◘

SA Pilipinas, ang buwan ng Setyembre ay huling bu­wan ng tag-ulan.

Walang malakas na bag­y­o na tumama ngayon sa ban­sa. Ibig sabihin, may masa­ganang ani ang mga magsa­saka.

Kahulugan nito ay over supply ng palay ka­kambal ng bagsak sa presyo!

◘◘◘

IMINUMUNGKAHI ng ilan na ideklarang perso­na-non-grata ang mga U.S. senator na kumakampi kay Sen. Leila de Lima.

‘Yan ay kung may “balls” ang Senado!

◘◘◘

INAAMIN ng mga eks­perto na ang cannabis o marijuana ay nakakapatay ng cancer cells.

Pwes, mabuhay ang mga drug lord!

◘◘◘

BIHIRA nang gamitin ngayon ang lapis, ballpen at papel sa mga transaksiyon.

Bibihira na rin ang gu­magamit ng “cash”!

◘◘◘

MALAKI na ang pag­ba­bago ng panahon.

Pero, ang mga may kontrol ng gobyerno ay napag-iiwanan ng pana­hon!

◘◘◘

ANG mga batas na gi­nagawa ng mga kolokoy ay hindi na angkop sa ‘demand’ ng panahon.

Dapat ipaubaya ang pangangasiwa ng gob­yerno sa mga millennial at centennial!

◘◘◘

MAGING ang mga pag­kain at inumin ay nalili­pasan na rin ng panahon.

Nalulugi na ang mga softdrinks company at alcohol maker!

◘◘◘

TULAD sa Europe na nagbalik sa “organic”, ang mga Pinoy ay patungo na rin sa pagbabalik sa kali­kasan.

Pero, ang gobyerno ay nananatiling “walang la­toy at walang patol”!

◘◘◘

NAGSILBING boxing judge kahapon sa isang world boxing unification bout ang dating Bulgar sportswriter na si Rey Dan­seco.

Congrats, pare!

◘◘◘

WALA na sa eksena ang dating international referee na si Sonny Padilla.

Pero, umaangat naman sa world boxing scene ang tubong Calauag, Quezon na si Danseco.

Mabuhay ang mga Pinoy!

◘◘◘

HINDI malayong ang susunod na assignment ni Danseco sa WBC ay ang na­katakdang laban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon.

‘Yan ang ating ipag­darasal!

◘◘◘

KINILALA ng World Boxing Council si Danseco bilang outstanding judge sa nagdaang mga taon.

Isang beteranong sports editor si Danseco bago nahasa sa pagiging bati­kang boxing judge sa mga world boxing champion­ship sa iba’t ibang bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page