Davao Occidental niyanig ng 6.4

Naitala ang Magnitude 6.4 na lindol sa Davao Occidental na naramdaman sa maraming lugar sa Mindanao, kahapon ng umaga.
Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-10:02 ng umaga nang maitala ang pagyanig sa layong 130 kilometro sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental. May lalim na 60 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Na-monitor ng Phivolcs ang Intensity IV sa General Santos City habang Intensity III sa Tampakan, South Cotabato; Kidapawan City; Makilala at Magpet, Cotabato; Davao City; Magsaysay at Sta. Cruz, Davao del Sur; Panabo City; Gingoog City at Magsaysay, Misamis Oriental; Damulog at Kalilangan, Bukidnon.
Naramdaman naman ang Intensity II sa Cagayan de Oro City; Balingasag, Jasaan at Villanueva, Misamis Oriental; Kabacan, M’lang at Tulunan, Cotabato; Columbio at Tacurong City, Sultan Kudarat.
Hindi na inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang lindol ngunit, nakapagtala na ng ilang aftershocks.





Comments