Batas sa ‘Pinas kontra droga, wa’ ‘wenta; mga opisyal, BFF pa ng mga drug lord
- Bobi Tiglao
- Sep 30, 2019
- 2 min read
Bagama’t, marami nang tagumpay sa kampanya laban sa ilegal na droga, marami pa ring pagsubok tayong hinaharap bago tuluyang masabi na “drug-free” na ang bayan.
Kamakailan, lumabas ang isyung mayroon pa rin daw “ninja cops” o mga pulis na nagre-recycle ng mga ilegal na droga o muling ibinebenta ang mga nakumpiskang ilegal na droga.
Nabalitaan din na nakalabas ng bansa ang “drug queen” ng Maynila na si Guia Gomez-Castro, kapitana sa Sampaloc, Manila.
May tatlong arrest warrants laban kay Castro kaya nakapagtataka kung bakit hindi siya pinigilan ng mga awtoridad sa airport bago lumipad papuntang Bangkok, Thailand.
At nariyan pa rin ang pamomolitikang ginagawa ng mga kaalyado ni Senadora Leila de Lima na kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame sa kasong pagtanggap ng pera mula sa mga drug lord.
Dahil wala nang naniniwala sa mga dilawan dito sa Pilipinas, sa Amerika humihingi ng tulong ang mga ito na malinaw na katrayduran sa bayan.
Nabola ng mga kaalyado ni Sen. De Lima ang isang komite ng U.S. Senate para magpasa ng batas na i-ban sa U.S. ang mga opisyal ng gobyernong Duterte na may kinalaman umano sa pagkakakulong ng senadora.
Hindi ba nila alam na noong Justice secretary si Sen. De Lima ay talamak ang business ng ilegal na droga sa bansa?
Ang ginamit pang headquarters ng mga drug lord ay ang Bilibid kung saan madalas dumadalaw noong ang senadora para kausapin ang sinasabing mga “kasosyo” raw niya.
Kung ayaw ninyong maniwala, panoorin ninyo ang video ng Discovery Channel tungkol sa Bilibid na may title na “Inside the Gangster’s Code.”
Sa video, nainterbyu pa ng host na si Lou Ferrante ang convicted drug lord na si Jayvee Sebastian. May magarbong opisina si Sebastian sa loob ng Bilibid.
Ipinagmalaki at ipinakita rin nito ang mga larawang kasama niya sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Sen. De Lima na dating kalihim ng DOJ at dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Rafael Ragos.
Nagulat pa si Ferrante dahil kung sa U.S. daw nangyari ito ay siguradong tanggal ang mga opisyal na nakikipagsosyalan sa mga kriminal.
Magtataka pa ba tayo kung bakit yumabong nang husto ang ilegal na droga noong administrasyong Aquino? Marami kasing ‘protektor’ ang mga drug lord!
Kung hindi nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, siguradong magiging katulad tayo ng Mexico o Colombia na napakalakas ng mga drug cartel.
Sa dalawang bansang nabanggit ay lantaran ang patayan ng mga tao. Malupit ang mga sindikato ng ilegal na droga doon at isinasabit pa nila ang katawan ng mga napatay nila sa mga tulay at gusali.
Pero sa ibang parte ng Asya tulad ng Thailand, Indonesia at China ay matindi ang mga batas laban sa ilegal na droga kaya wala silang gaanong problema, hindi tulad natin na masyadong maluwag.





Comments