top of page
Pokwang.jpg

Binanatan sa pork barrel, resbak ng mga cong.. Lacson at Drilon, sagabal sa mga plano ni P-Digong

BRT
Sep 30, 2019
2 min read

Mga hadlang umano sa mga repormang nais ipatu­pad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang pagbatikos nang walang ba­sehan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson sa ipinasa ng Kamara na 2020 National Budget.

Ayon kay Deputy Spea­ker Henry Oaminal, may pa­nahon naman para kila­tisin ng Senado ang 2020 budget na ipinasa ng Ka­mara, kaya hindi umano dapat na mag­sabi ng kung anu-anong pa­hayag sina Lacson at Drilon na hindi naman nila kayang patu­nayan.

Aniya, ang General Ap­propriations Bill (GAB) na ipinasa ng Kamara ay tumu­tugon sa mga repormang gustong maipatupad ni Pa­ngulong Duterte kaya walang dapat ikabahala tungkol sa ‘pork’, ‘parking ng pondo’ o insertions sa budget.

Tinutukoy ni Oaminal ang naging pahayag nina Dri­lon at Lacson sa umano’y pagbabantay nila sa mga ma­anomalyang pagbabago na ginawa ng Kamara sa GAB para sa 2020 dahil sa pag­ka­karoon ng “small commit­tee” para tanggapin ang mga amendment sa panukalang ito.

Pinagtawanan naman ni Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano ang sinabi ni Drilon sa umano’y pag­babantay nito laban sa ‘pork’ na maaaring isingit sa natio­nal budget dahil kung maalala noon ay may nagsampa pa umano ng kaso laban sa se­nador dahil sa sinasabing overpriced na Iloilo Con­vention Center kung saan ibinuhos umano ni Drilon ang P200 milyon ng kanyang Prio­rity Development As­sis­tance Fund (PDAF) noong 2013 para sa pagpapatayo nito.

Ayon kay Deputy Spea­ker Pablo John Garcia, wa­lang bago sa pagbubuo ng small committee para tala­kayin ang mga amendment sa national budget.

Tulad ng naipaliwanag na umano ni Albay Rep. Joey Salceda, senior vice-chair­person ng House Appro­pria­­tions Committee, ito ang na­ging tradisyon noon pa mang ika-8 Kongreso.

“Walang tinatago, wa­lang dinadagdag o binaba­was sa national budget. Ang tanging bilin sa amin ni Speaker Alan Peter Cayeta­no ay siguraduhing ang bud­get ay epektibong maka­katugon sa mga repormang ipinapatupad ng ating Pa­ngulong Digong,” sabi pa ni Garcia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page